Entry: Blooming daw Ako? Praningan Na `To! Jul 7, 2008





Blooming.

Harruu jusku~! Sa dinami-dami ng mga terminologies na pwedeng gamitin, iyan pa. Hahaha.

Di kasi ako sanay na sabihan ako ng blooming. Ewan ko. May topak na ata ako eh. Hehe. Kasi pakiramdam ko may ibang meaning. Pagkakaalam ko kasi, iyong blooming, para lang iyon sa may mga lovelife. Hahaha. O kaya yung mga may special someone. Eh wala naman ako nun. Hahaha. Naniniwala ka? Takte. Sinungaling ako. Haha.

Aga ko pumasok ngayon. Lagi naman eh. Kailan ba hindi? Naku. May flag raising pala kanina. Hehe. Napaattend tuloy ako ng di oras. Umakyat na din ako kaagad. Hindi naman ako pinigilan ng guwardiya. (FYI. May guard na nag-aabang. Haha.) Ang laking pasanin ng gitara ko. Haha. Dala ko kasi. Kung bakit, dalawa lang iyan. Una, due to insistent public demand. Pangalawa, pinadala sakin. Haha. Parang pareho rin no? Praning ako eh. Haha.

As usual, kapag nasa office, walang ginawa ang Lenggay kung hindi maglaro ng Cake Mania 2. Doon naman ako sa hotel nagtatrabaho. Haha. Aliwan in fairness. My pakpak yung sapatos ko doon. Haha. Hindi siya RPG mga repa. Basta. Hindi siya RPG. Dinaanan ko muna si MegMegMeg doon sa Kagawaran ng Filipinolohiya, Tanggapan ng .. Chairperson. Langya. Di ko alam yung Tagalog ng Chairperson. Haha. Nakakahiya ako. Well anyways, kwinentuhan ko lang siya ng nangyari kahapon. Hehe. Kung ano yun .. ABANGAN. Medyo delayed ang pagpost ko doon. Haha. Masyado kasi akong masaya. Pagkatapos, bumaba ako. Namputsa~! Nakalimutan kong Lecture pala kami sa COBOL ngayon. Haha. Panik ulit sa 4th Floor. Ayun. Nasilayan ko na yung mga katropa ko. Haha. Tinitigan ko lang yung comics ng SAMASA at ANAKBAYAN parehong - CCMIT doon sa dingding. No Comment. Delikado. Pero kung sa bagay .. HEPP! Awatt!! Prrrttt! Haha. Basta. Hinintay lang namin magbukas yung room. Dinaldal ko si Mhine pagdating na pagdating. Nag-update agad ako. Hehe. Sabay "Hi Ate Paw" si Kuya Kenneth. Hehe. Kwento ulit. Hala sige. Parang walang bukas ampota. Haha. Ayun. Nagbukas na yung room.

Masasabi kong masayang tumanga. Wala si COBOL Princess eh. Wala kaming COBOL. Hehe. Antay mode na naman para sa English. Kinuha ko yung gitara ko sa office. Hehe. Nang magamit naman. Hahaha. Ayun. Gitara mode. Dumating para sa English, mga ST. Kabagotbagot. Reporting ang naganap. Letsugas. Di ko makita yung nakasulat sa board. Dumayo ako sa kabilang ibayo. Panu ba naman, kasuluksulukan yata ng mundo yung pinaglagyan saken. Dun ako kina Mhine pumwesto. Hehe. Kinopya ko lang yung nasa visuals ng nagrereport. Hehe. Chinika ko si Mhine. Lagi ko namang ginagawa yun eh. Hehehe. Biglang joke naman ni Kuya Kenneth. Hahaha. Aliw. Ganda ng jokes niya. Kakaiba. Kaya pala natatawa si Mhine pag nakikita ko siya. Haha. Kaya pati ako, natawa na din. Haha.

As usual, pagkatapos ng English, BREAK. Haha. Walang magawa again. As usual. Inulit ko lang. Hahaha. Gitara mode. Hanggang sa gusto kong maghanap ng CR. Malamang. Najijings ako eh. Hehe. Niyaya ko si Mhine. Dayo kami dun sa North Wing ng 4th Floor. Haha. Expecting si Lenggay. Kung bakit, ewan ko din. Haha. Pinuntahan ko naman si JaJaJa sa room niya. Usapusap. Nasagap ang dapat masagap. Nanlumo saglit. Naka-tatlong hakbang lang yata ako, nabuhayan ako ng loob. Kasalanan sa Lipunan. Kasalanan sa Sarili ko. Panu kaya matuturing na Mali kung talagang HANEEPP! Nyahaha. Praningan na to mga bords. Akyat kami sa 5th Floor. Doon may CR eh.

Political Science. Stat. Hanggang matapos ang araw na ito. Haha. Pauwi na kami ng kapatid ko. Haha. Dayo muna sa COOP. Bili daw kasi si Bhiebot ng pagkain. Hehe. Kita ko si Zack. Classmate ni Janine. Hehe. Textmate ko. Haha. Di ata ako nakita. May kausap. Haha. Pero nung paalis na kami, may tumawag sakin. Di ko naaninag. Nadisappoint. Hala. Si Ron naman yun. Classmate din ni Janine. ΓΌ Lumapit pa ako. Aba. Nagpaumanhin ako noh! Sabi ko mukha siyang artista, kaya di ko namukhaan. Haha. Totoo naman! May kamukha siyang artista! Hahaha. Kung sino, isipin niyo. Haha.

Swimsuit pa din iniisip ko ngayon. Bibili kami dapat bukas. Payagan kaya ako? Haha.

Walang konek lahat ng sinabi ko. Pawang kapraningan lang. Haha.

Horoscope ko ngayon:
Taurus.
Magsakripisyo para sa minamahal, ngunit walanhanggang ligaya ang mapapasaiyo.

Yeahbah. Manalig ka. Haha.

LORD. SANA MAKABILI AKO NG SWIMSUIT. HAHA. THANKS DIN PO, DAHIL BLOOMING AKO.

Inspired? Think so. Think Not.:))

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments