A MAN wished to purchase an Ass, and agreed with its owner that
he should try out the animal before he bought him. He took the
Ass home and put him in the straw-yard with his other Asses, upon
which the new animal left all the others and at once joined the
one that was most idle and the greatest eater of them all.
Seeing this, the man put a halter on him and led him back to his
owner. On being asked how, in so short a time, he could have
made a trial of him, he answered, "I do not need a trial; I know
that he will be just the same as the one he chose for his
companion."
A man is known by the company he keeps.
Tres pala ngayon. Magandang pangitain. Iyon ang akala ko.
Ang aga ko nagising. Pero late na kami nakaalis ng bahay. Mga 5:45 AM yata iyon. 9 AM ang klase ko. Masyadong maaga no? Umuulan pa. Maaga ako ngayon (actually lagi e. Hahaha.). Tuturuan ko kasi si Karen ng Programming. Nararanasan nila yung naranasan ko dati. Ang lakas ng ulan. Di ko lubos maisip na umuulan na naman. Ayoko pa namang nababasa ako. Grrr.
Kung masyadong Tagalog, pasensya na. Natripan ko lang. Haha.
7 na ako nakarating sa PUP. May isang oras pa para maglaro ng Burger Shop. Ano pa bang gagawin ko? Tinatamad naman akong maglakad. Wala pa naman yung mga Dear Prends ko sa school. Wala din namang nagtetext sa Globe. Ay. Nagload pala ako sa Sun. After 10 years. Kasi eh, si Baby Bear nag'Sun. Eh pinag'Sun din ako. Edi mag'Sun. Haha. Active pa naman yung Globe ko. Hahahaha. Pero gaya ng sabi ko, walang nagtetext sa Globe. Ewan ko nga kung bakit ako nag-unli eh. Nagbabakasakali na naman ba na may magtext sakin? Oo. Hinihintay ko nga lagi text nun eh. Kung hindi ko man mareceive text niya. Sana makita ko. siya. SANA MAKITA KO SIYA.
Natapos ko yung buong Story Mode ng Burger Shop. Hanep mga customer. Parang tanga. Hahaha. Napaka-mainipin. Haha. Nagtext na si Karen ng 8:30. Nasa school na daw siya. Hala sige. Diretso ako sa CCMIT Area sa East Wing. Ayun. Nandun din pala yung kapatid ko. Si Mac un. Hindi ko siya talagang kapatid. Basta. Mahabang paliwanagan. Tinuruan ko si Karen gumawa ng flowchart. Sana naintindihan niya. By quarter to 9, pumunta na ko sa 3rd floor. Madami ng tao. Pinuntahan ko si Mareng Eva sa fire exit. Nandun din si Bestfriend, at yung anak ko. Hanggang sa nabuo na kami. Dilemma namin nung mga oras na iyon: tamang pagkanta, Fantaserye, at kung si Jeno ba o si Eden ang speaker sa assignment naman sa Speech Comm. Nang dumating si Ate Zhe, hiniram ko iyong directory. Hahanap ako ng textmate sa Globe. Alam na nila iyon. Sinungaling akong tao. Specific na tao lang iyong hinahanap ko. Nakita ko naman. Hehehe. Kaso ang pagtetext sa kanya, kung paano, hindi ko alam. Dumating na si Tonet. Tambay kami sa hallway bago mag-fire exit. Katabi ko yung banda ko. Pinaguusapan namin iyong tungkol sa Structured Flowchart sa COBOL. Tapos naisipan ko na lang bigla na maningil ng IBITS. Hmm. Pauso ko na naman iyon. Hindi ko pa nasisilayan yung gusto kong makita. Haha. Ayoko din namang itext. Kahit gusto ko. Basta ampanget tingnan. AAAHHH. BASTA.
Naaalala ko bigla. Hindi na nga pala ako masyado palakausap at maingay ngayon. Sinubukan kong kausapin sila Besplen. Naningil ako sa kanila. Nadamay pa dun si Kuya Kenneth. Dati siyang 2-1N. Ayun. Naningil pa ako sa iba. Wala naman silang pambayad. Patay ako niyan. Hahaha. After ilang minutes siguro, pinapasok na kami sa Lab. May activity. Gawa daw ng flowchart. Wala si Ma'am Rachel, the COBOL Princess daw sabi ni Kuya AJ. Kaya ayun. Gawa ng flowchart. Nang matapos, wala din naman palang English (iyan yung next subject namin). Kain mode muna kami sa East Wing Canteen. Siomai Rice kinain ko. Wala akong pera. Actually nagtitipid. Mahal na bigas ngayon. Pagtapos, akyat kami sa E414. Gaya nga ng sabi ko, wala kaming English. Tinatamad naman akong lumabas labas. Nagtetext na lang ako. Sa Globe, walang pag-asa. Kaya sa Sun na lang ako nagtetext. Andami ko kayang ka-text. Hahaha. Hanggang naumay na ko magtext. Kailangan ko ng magandang gagawin. Alam ko na. Gagawa na lang ako ng assignment sa Statistics. Haha. Habang nagpapakasaya ang ITG dun, gumagawa ako ng assignment. Sinabayan ko si Alexa. Ang saya pareho kami ng sagot. Haha. Ibig sabihin tama. Oy. Hindi ako nangopya ah. Hahaha. Sumabay na din samin si Ate Zhe. Patapos na ako nung sumabay siya, nakapagre-write na ako nun. Lalagyan ko na lang ng linya yung Quantile, Decile at Percentile class ng makarinig ako ng napakapamilyar na ingay.
Tambol. Sabay sigaw. Sabi na. May nagaganap na namang walkout. Paano ko nalamang walkout? Sumigaw sila eh. Sumama daw kami sa walkout. Ewan ko kung ano pumasok sakin. Iniwan ko iyong ginagawa ko. Napatingin ako sa isang hilera ng mga estudyante na may hawak na plakard at flags. Nakita ko yung schoolmate ko nung high school. Nagulat ako. "Hanep." Iyon na lang nasabi ko. Para akong nakadikit sa kinatatayuan ko. Hindi naman talaga ako dating interesado sa mga ganyan. Kahit sumama na ako dati. Trip lang iyong dati. Di na nasundan. Parang may hinahanap ako sa mga nagwawalkout. Alam kong nabalitaan kong sumasama siya doon. Pero hindi ko pinaniwalaan. Kahit sabihin nilang confirmed. Alam ko, hindi siya sasama sa ganun. Parang basong nabasag yung mga pinaniwalaan ko. Kitang-kita ng dalawang mata ko. Mga 7 or 8 yatang estudyante pagkatapos ng schoolmate ko. Nakita ko iyong hinahanap ko.
Nandun siya. Hindi ko alam kung nakita niya ako. Ang alam ko nakita ko siya. Hawak niya iyong papel na may nakasulat na hindi ko na napansin kung ano. Nakaharap sa classroom namin. Parang ambagal ng oras noon. Hindi ko man lang nagawang ipikit iyong mata ko. Nalaman ko na lang na sumakit iyong dibdib ko ng marinig kong palayo na ng palayo yung tunog ng tambol at mga sigawan. Hindi ako makapaniwala. Nandun siya. Siya iyon. Napaluhod nga ako eh. Ang OA no? Pati tong pagkkwento ko ang OA. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Naisigaw ko pa nga kung bakit nandun siya. Ano ba ko tanga? Pagkatapos ng parang napakatagal na katahimikan sa loob ko. Tinapos ko na iyong ginagawa ko. Binigay ko kay Joana yung assignment ko. Kung akala niyo, nakalimutan ko na iyong mga pangyayari hindi pa. Napatahimik na lang ako pagkatapos nun. Lumabas ako ng classroom. Natanong ko pa nga sila Besplen, sila iyong nasa labas eh. Natanong ko pa kung bakit nangyayari to. May sumagot sakin, kasi daw map-privatize na daw yung PUP. Hindi naman yun eh. Iba. Wala na sigurong makakasagot. Hindi na rin mababago yung nakita ko.
Mga 1:30 nung nag-decide kami na pumuntang SM. Wala pa rin ako sa sarili ko. Nag-iisip pa din. Tadtad na nga yung inbox ng nasa distri list ko ng GM eh. Nagtatanong kung bakit. Nakasalubong ko yung maganda kong kaibigan sa may Univ Canteen. Ang nasabi ko na lang, Nakita ko siya. May sinabi pa siya sakin. Pagdamay niya yung kailangan ko. Kaya nga thankful ako at binisita nila ako before nung pangyayaring yun. At after, si Ganda naman dumamay sakin. Diretso na ang tropa sa SM after nun.
As usual, kantahan lang yung naganap sa SM. Better Days at Irreplaceable ang kinanta ko. Pagkatapos, uwian na. Hindi dapat kami papasok. Kaso may pangarap yung iba samen kaya pumasok. Pero wala ding klase. Swerte nung mga hindi pumasok.
Pumunta na ako sa office ng mga 6 PM. End na ng klase eh. Pinahanap sakin ni Daddy si Apol. Pumunta akong LHS. Nagbabakasakali na makahanap ng makakausap. Kaso wala eh. Inikot ko na lang yung Freedom Park. Sa tyangge. Wala naman din akong pambili. Nagpaload na lang ako sa Sun ng pantawag. Pag-akyat ko, nabalitaan ko yung gang rape dito sa PUP. Lumabas ako saglit ng office para tawagan si Baby Bear. Kailangan ko ng makakausap. 10 minutes lang yung call. Nakakabitin nga eh. Pagbalik ko ng office, andaming tao. Parang laban lang ni Pacquiao. Hinihintay pala nila iyong balita sa TV Patrol about sa gang rape. Ayun. Freshman yung babae. Niyayang sumali sa org. Ng umayaw, tinutukan ng kutsilyo. Edi napasali na siya. Tapos for 3 days, ni-rape siya ng 20 lalaki in different locations. College of Business daw yung involved. Kinabahan ako bigla. Nauna na kong bumaba. Pinuntahan ko yung kapatid ko. Delikado. Buti na lang naabutan kong pinagsasabihan sila. Buti naman. Umuwi na kami. Binalita ko kaagad iyon sa mga Globe. At dahil don, andami kong katext sa Globe. Andami kong natulugan. Nakakahiya tuloy.
Pero hanggang pagtulog ko, tambol at sigawan pa rin ang naririnig ko. :((